Thursday, June 6, 2013

Mukhang Paa!



Sabi niya Gwuapo daw siya ... Napansin ko nga ... Mula Ulo ... Mukhang Paa!

Apo bagay ba sakin ang emo???



Isang gabi habang nanonood ako ng TV biglang tumabi sakin si Lola, nakalugay ang buhok … damit nya ay itim … may hawak na patalim …Kinabahan ako … biglang bumilis ang pagtibok ng dibdib ko … gusting gusto ko ng tumakbo pero nagsalita sya … “Apo bagay bas akin ang emo???

"f" for FASAR



Mommy : Jay anong nangyari sa grades mo? Maraming pula!
Jay : Naubusan kasi ng itim na ink si maam e.
Mommy : Eh bakit my ‘f’?

Jay : Mommy naman, Parang hindi alam ang ibig sabihin nyan “FASAR”!

Las Vegas



“Pers tym ko rito sa Bigas … ”

- MOMMY DIONISIA sa Las Vegas

Huwag k lang sumaya.



Kung ang ikaliligaya mo ay ang paglayo ko … Aba! Huwag kang mag-alala! Lalapit-lapitan pa kita, huwag k lang sumaya… Bwuahahaa…!

Pangit ba 'ko?



Binata : Pangit b 'ko?
Dalaga : Walang ginawang pangit ang Diyos ... pero ewan ko lang kung may Diyos ka. Baka Anti-Christ ka?

Mukha kang kabayo!



Dalaga : Red Horse ka ba?
Binata : Hindi bakit?
Dalaga : Ang lakas kasi ng tama mo.
Binata : Ganun? Ikaw yata ang Red Horse eh …
Dalaga : Bakit naman?

Binata : Mukha kang kabayo!